BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, November 5, 2009

KAPAYAPAAN AT PAGKAKAISA

kapayapaan...itoy' salitang di na iba sa atin
sapagkat lahat ay nagnanais na makamit itong pilit
ngunit bakit tila di na maabot
malayo ba ang paroroonan upang ito'y makamtan

pagkakaisa...iilan lang ang nakakaintindi
literal na kahulugan ang laman ng ating isipan
ngunit kalaliman ay hindi man lamang maaninag
kailan kaya? kailan kay ito madarama?

tanging solusyon sa mga problema
ay bukas na isipan at pagkakaisa
pag-ibig at tiwala sa diyos ang pinaka mabisa
upang ang kapayapaan na minimithi ay nakamtan na

0 comments: