nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa paligid
ibinabalik ang oras na ako'y nasa mortal na daigdig
itong sandaling ako'y nalunod sa dagat ng kasalanan
at nakalimot sa ganda ng poong maykapal
barkada ang nagtulak sa akin sa kumunoy ng buhay na tila patay
upang makalimot sa ingay na dulot ng problema sa aking buhay
madalas dinadaan sa paglaklak ng alak at hinihithit ko ang langit na droga
para matapos ang problema at mamulat sa bulag na ligaya
ngunit lahat ay pagkakamali. ako'y nadapa at di makabangong muli
tapos na ang aking buhay at hindi maialis ang pagsisisi
sa pagsayang sa oras na dapat sana'y aking inibig at pinagbuti
ito ang aking kinahinatnan...sinusunog ang aking kaluluwa sa kailaliman

0 comments:
Post a Comment