BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, November 5, 2009

MAHAL KITA


mahal kita
sana malaman mo
hindi ko na kayang itago
ang nararamdaman nitong puso

mahal kita
sana mahalin mo rin ako
pero takot na takot ako
sa magiging sagot mo

mahal kita
sana sabihin mo ang sagot
laman ng puso mong takot
para mawala ang dagok

mahal kita
sana wala ng iba
ayoko ng umasa
puro sakit ang nadarama

mahal kita
sana mawala na lamang
rason ng buhay kong ikaw lamang
sabay ng pagkawala ko sa kawalan

0 comments: