BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, November 5, 2009

LIGAW NA PAG-IBIG


takot ako nun...takot sa bagong mundo
walang kakilala't isang estranghero
tila ligaw at walang paroroonan
ika'y nakita, nalaman ang daan

sa bawat pintig...puso ko'y nasasabik
daang tinatahak sa'yo sumasapit
pilit mang itago laman nitong puso
tanging ikaw ang hinahanap nito

pag-ibig na nga ba...aking nadarama
samantalang ngayon lang kita nakita
ayokong aminin lihim na pagtingin
dahil takot masaktan ang damdamin

maaari bang umibig sa'yo sinta?
kahit na tayo ay ngayon lang nagkita
mahalin mo rin kaya isang tulad ko?
ako'y ligaw, sa'yo nagsusumamo

0 comments: