ginising ng malamig na ulan ang aking kaluluwa
noong ika'y aking unang nakilala
ako'y nalulumbay ngunit ikaw ay umalalay
sa payong mo ako ay isinabay
munting kabutihan di naglaoy lumago
yumabong sa pagtitinginang hindi amitago
hindi inaasahang puso ko'y mabibigo
sa iyong pag-ibig ako'y nagsumamo
sa kabila ng iyong tahimik na pamamaalam
pag-ibig mong di maialay sa aki'y ipinaramdam
mundo man ang humadlang sa ating pag-iibigan
pangalan mo'y isisigaw ng aking puso't isipan

0 comments:
Post a Comment