BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, November 5, 2009

MAGKAIBIGAN LANG


sana kapiling ka pa rin
upang pangarap ay tuparin
na masabi sa iyo ang pagtingin

ikaw ang pinakamatalik na kaibigan
kasama ka at naging sandigan
di akalaing sa pag-ibig ay tuturuan

sabi mo na hindi pa iniisip
ang umibig kahit sa panaginip
kaya tinagong pilit

kita raw sa atin ang lambing
na kailan may hindi maihahambing
sa magkaibigan lang ang turing

pilit kong itinanggi ang nararamdaman
dahil natakot akong ito'y malaman
o mabigo kung sakali man

dumating ang araw ng aking paglisan
pangako kong di ka kalilimutan
ikaw lamang magpakailan man

ngayon ako'y nalulumbay
nagsisisi sa pag-ibig na di na naialay
dahil kailangan kitang tunay

0 comments: